Pang-aabuso sa mga Bata sa New Mexico
Ang pang-aabuso sa bata ay hindi magkakatulad sa lahat ng kultura. Dito, ipaliliwanag namin kung ano ang kahulugan nito sa New Mexico.
Sino ang Bata na Inaabuso?
Ang batang inaabuso ay bata na nagdusa ng pananakit na pisikal, pagmamalabis na emosyonal o napabayaan ng magulang, protektor o tagapag-alaga. Abuso din ito kapag ang magulang o tagapag-alaga ay pinabayaan na masaktan ang bata dahil hindi nya ipinagtanggol o binigyan ng proteksyon.
Ano ang Abusong Pisikal?
Abusong pisikal ay nangyayari kapag ang bata ay may pasa, dugo, di-wasto’ng nutrisyon, paso, basag na buto, pinsala sa utak o kamatayan. Kapag sinaktan mo ang isang bata, ito ay abuso kahit na ano pa ang dahilan.
Mga Halimbawa ng Abusong Pisikal:
- pagtulak
- pagsipa
- pagpigil kahit bawal sa kalooban
- pagkagat
- pagsakal
- pagsunggab
- paghalibas sa dingding
- pagsunog
- pagpalo
- pagbuhat kahit ayaw ng bata
- pagpilipit ng braso
- pagsampal
- pagsabunot
Ano ang Pagpapabaya?
Ang batas sa New Mexico ay nagsasabi na ang pagpapabaya ay isang uri ng abuso sa bata. Pagpapabaya ay kung iniiwan mo ang bata na mag-isa sa kotse, gusali, bahay o kahit saang lugar na merong produktong kimiko o mga bagay na mapanganib para sa bata. Ang ganitong mga sitwasyon ay ebidensya ng pang-aabuso sa bata.
Sa ano’ng gulang Maaaring Mag-Isa sa Bahay ang aking Anak?
Sa New Mexico, walang legal na gulang kung kailan ang bata ay maaaring maiwan mag-isa sa bahay. Heto ang patnubay upang matiyak kung handa na o hindi ang bata na mag-isa:
Kagulangang Pisikal:
- Kaya ba ng bata na mag-bukas at magsara ng pinto?
- Kaya ba ng bata na gumamit ng telepono?
- Kaya ba ng bata na maghanda ng meryenda?
Kakayahang Matuto:
- Marunong bang bumasa at sumulat ang bata?
- Kaya ba ng bata’ng sumunod sa direksyon?
- Gumagamit ba ng tamang pag-iisip ang bata?
Kagulangang Emosyonal:
- May kumpiyansa ba ang bata?
- Matatakutin ba ang bata?
- Tensyonado ba ang bata?
Mga Kalagayan ng Kawalang-Panganib:
- Maaabot ba ako ng bata kapag may pangyayaring di-inaasahan?
- Meron bang ibang tao na maaaring tawagan ng bata kapag hindi ako maabot?
- Pinapahintulutan ba ako ng aking amo na tumawag sa telepono upang malaman ang katayuan ng aking anak?
- Nakatira ba kami sa kapaligiran kung saan ang aking anak ay ligtas sa panganib at komportable
- Meron bang kapitbahay na maaaring puntahan ang anak ko kapag may pangyayaring di-inaasahan?
(from the Children’s Hospital of Wisconsin website)
Ano ang Emosyonal at Abusong Pananalita?
Abusong Emosyonal ang isang bagay kapag ang bata ay di binibigyan ng maayos na pakikitungo at ang pag-unlad na kaisipan ay mahina. Kapag ang bata ay abusadong emosyonal, sya ay dinidisiplina ayon sa mga kilos na normal kagaya ng pagngiti, pagsasalita o paggagalugad.
Mga halimbawa ng emosyonal at abusong pananalita:
- Pagsigaw/pagbulyaw
- pagbabanta
- panunuya
- paglait
- pangalanan ng masama
- pagwalang-bahalaan
- pagtanggi
- pagmamaliit
- pagsupil
- sobrang pagpuna
Sino ang Maaaring Mag-Sumbong ng Pang-aabuso sa Bata?
Kahit sino ay may karapatan at kapanagutan na mag-sumbong kapag may hinala sila na ang bata ay inaabuso. Maaaring tumawag sa 1-800-797-3260.
Anong Mangyayari kung ako ay Isinumbong dahil sa Pang-aabuso sa Bata?
Sa New Mexico, ang CYFD (Children Youth and Families Department) ang nagsisiyasat ng kaso tungkol sa pang-aabuso at pagpapabaya sa bata upang malaman kung ang kalagayan ay mapanganib o hindi. Sinuman ay maaaring magsumbong ng pang-aabuso. Subalit ang mga tao lamang na nagsanay sa ganitong uri ng trabaho ang nararapat magsiyasat o mag-imbestiga.
Kung ikaw ay sinisiyasat dahil sa pang-aabuso sa bata, ang bata ay maaaring ilagay sa labas ng inyong bahay pansamantala, subalit, hindi ito nais ng CYFD na tanggalin ang iyong anak.
Kung ang tagapagsuri ng kaso ay nakita na nararapat na ilipat ang bata sa ibang lugar, pagsisikapan nilang ilagay sila sa kapamilya, subalit ang CYFD ay nagnanasa na magkasama ang mag-anak.
Ang mga tagapagsuri ng kaso mula sa CYFD ay nandyan para tumulong, at para humanap ng paraan na ang bata ay nasa piling ninyo. Kung kayo ay sinisiyasat ng CYFD, makakabuti na sumang-ayon at makipagtulungan sa tagapagsuri para sa kapakanan ng inyong mga anak.
Ang pang-aabuso sa Bata ay Seryoso. Kung ikaw ay mahatulan ng Pang-aabuso sa Bata sa New Mexico, maaari kang makulong ng 18 taon.
Ang mga impormasyon ay galing sa mga sumusunod na website:
Child Welfare Information Gateway of the US Department of Health & Human Services
